Soft opening ng New Bilibid Prison Hospital, isinagawa

Soft opening ng New Bilibid Prison Hospital, isinagawa

ISINAGAWA na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang soft opening ng bagong New Bilibid Prison (NBP) Hospital sa Muntinlupa, araw ng Lunes.

Tiyak na mas mabibigyan ng kaginhawaan ang mga pasyente na persons deprived of liberty (PDL) sa bagong ospital na itinatag sa loob ng NBP sa lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. sa madaling panahon mabubuksan na ang naturang ospital kung saan tanging mga PDL lamang sa loob ng NBP ang makikinabang.

Aabot sa 300 bed capacity ang ospital na may 2 palapag na may laki na halos 2 ektarya ng lupa.

Sa tulong na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nabuo ang ospital para sa inmates na aabot sa 300 milyong piso hindi pa kasali ang mga equipment.

Follow SMNI NEWS in Twitter