Solo parents sa Bulacan, tinuruan ng programang pangkabuhayan

Solo parents sa Bulacan, tinuruan ng programang pangkabuhayan

TINURUAN ng programang pangkabuhayan ang solo parents sa Bulacan.

Hindi biro ang pagiging solo parent kaya sa Baliuag, Bulacan, nagsama-sama ang mga ito upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pangkabuhayan at matutong dumiskarte para sa kanilang mga anak.

Sa isang hakbang upang suportahan ang mga solo parents, isinagawa ni Donnabelle Arrowood, o mas kilala bilang “Donna B” at siyang CEO ng Donna B Pro Make up Gallery ang event na “Empowerher”.

“Ang title po ng event na ito ay “Empowerher”. Ang purpose po ng event ay i-empower po ang ating mga solo parent na magkaroon sila ng hope, livelihood, at self-care. So being a solo parent for 11 years, isa po ‘yan sa mga naging layunin po natin at advocacy ng company na matulungan po sila. Alam niyo, ang dami kasing pinagdadaanan ng mga solo parent, kaya bukod sa namimigay tayo ng financial, gusto natin mabigyan pa sila ng pag-asa. At paano nila mahaharap ‘yung challenge sa life nila. I think ‘yun ang pinakaimportante sa lahat, ‘yung maging strong sila. At ma-conquer nila ‘yung challenge with resilience,” ayon kay Donnabelle Arrowood, CEO Donna B Pro Make up Gallery Ph.

Sa “Empowerher”, inilunsad ang iba’t ibang mga aktibidad at training seminars na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga solo parents sa larangan ng trabaho, entrepreneurship, at personal development.

Mayroong mga libreng workshop ukol sa hair and makeup artistry, business skills, at self-care para matulungan ang mga solo parents na maging mas malakas at maayos ang kanilang buhay.

Bilang isa ring solo parent, ibinahagi ni Donna B kung kanino siya humihingi ng kalakasan bilang isang single mom sa loob ng 11-taon.

“I think that is one of the most important, ‘yung magkaroon sila ng hope and i-face nila ‘yung challenge nila with pananampalataya. Kasi ‘yun talaga for me ang nagbigay sa akin ng strength at ‘yun talaga ang makatutulong para makabangon ‘yung ating mga kababaihan, at even ‘yung mga kalalakihan na solo parent,” dagdag ni Donnabelle.

Ibinahagi rin ng Bulacan Solo Parent president ang kaniyang naging karanasan bilang isang solo parent.

“Sa experience ko kasi, siyempre ang tingin ng mga tao sa solo parents ‘di ba ang bababa eh ‘di ba. Tapos isipin mo ‘yung iba, siyempre tao lang naman, bumibigay. Sa’kin kasi ano eh, mas minahal ko ang mga anak ko kesa sa sarili ko.”

“Yung magulang mother ‘di ba, nakakaya nila buhayin. Ah mahirap, what more kung single parent ka lang. ‘Yun ‘yung sobrang hirap. Mentally, emotionally, financially. Sobrang hirap talaga,” ayon kay Feni E. Santos, Bulacan Solo Parent President.

Nagbigay naman ng payo si Santos para sa mga kapwa niya solo parent.

“Pagiging solo parent kasi sobrang hirap, kailangan huwag ka makakalimot sa Diyos. Number 1 ‘yan, mag-thank you kay Lord, tapos maging matatag para sa mga anak. Solo parents you are not alone, kasi mayroon tayong Lord at andito kami para tumulong, lalo na mayroon tayong mga anak,” dagdag ni Santos.

Hindi man nakadalo nang personal sa nasabing aktibidad ay nagpaabot naman ng mensahe si Gov. Daniel Fernando sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan.

“Nakikiisa siya at sumusuporta sa programa ng ating Samahang Solo Parents na mayroong tema “With Hope and Livelihood and Selfcare Program” sapagkat naniniwala ang ating governor na mabisang pag papamilya ng mga solong magulang ay malaking kontribusyon sa pagpapalakas sa kalalagyan sa hanay ng bawat angkan dito sa lalawigan ng Bulacan. So suportado niya ito through Ate Penny na masugid na taga-suporta ng ating gobernador.”

“Suportado niya ang lahat ng mga gampanin at gawain, may kinalaman sa mga pagsasanay sa mga oryentasyon sa mga seminar sa mga pagdaraos na kung saan ay pinalalakas ng loob ng ating pamahalaang panlalawigan ang kakayahan ng bawat isang magulang na nagsosolo sa pagpapalaki ng kanilang mga anak,” ayon kay Crispin E. de Luna, Representative of Gov. Daniel Fernando.

Lubos naman na nagpasalamat si Feni Santos at Donna B sa SMNI na sumusuporta sa mga makabuluhang proyekto para sa mga solo parent.

“Maraming maraming salamat sa SMNI Bulacan and Manila,” ani Feni Santos.

“Ako malaki talaga ang pasasalamat ko sa SMNI kasi sila po talaga noong nagsisimula pa lang ako, naging sila ang tumulong na magkaroon ng opportunity na makilala ang Donna B na ma-i-promote ang advocacy na magbibigay ng empowerment at inspiration sa ating mga solo parents. So ito po ang naging channel para makapagbigay ng tulong sa ating mga solo parents through my life experiences and life testimony. So, thank you so much po SMNI News, sobrang mahal na mahal ko po ang network na ‘yan,” ani Donnabelle.

Hindi man madali ang maging single parent ay hindi naman nawalan ng pag-asa ang mga ito para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble