Xinjian International Grand Bazaar, matatagpuan sa Urumqi, China

Xinjian International Grand Bazaar, matatagpuan sa Urumqi, China

SA Tianshan District, lungsod ng Urumqi, sa China, matatagpuan ang sinasabing pinakamalaking bazaar sa buong mundo.

Ito ang International Grand Bazaar, isa sa mga pinakatanyag na landmark sa Xinjiang Uyghur Autonomous Region.

Pinasinayaan noong 2003, ngayon ay sentro ng mga turistang nais mamili at mag- sightseeing.

Ang grand bazaar ay may isang lawak ng konstruksiyon na halos 100,000 metro kwadrado at may 3,000 mga tindahan.

Pagpasok sa grand bazaar, makikita natin ang isang tore na halos nasa 100 ang metro ang taas.

Ito ang pinakatanyag na atraksiyon sa grand bazaar na kung tawagin ay Silk Road Sightseeing Tower.

Sa tuktok ng tore, makakakita ang panoramic view ng Urumqi City.

Ang salitang bazaar ay nangangahulugang merkado sa salitang Uyghur kung saan makikita ang iba’t ibang damit, mga pagkain, likhang-sining, at iba pang mga kagamitan dito sa kanilang bazaar.

Ito ang tahanan ng iba’t ibang lokal na kalakal at mga natatanging mga negosyo na isa sa patok na pagkain na dinadagsa ng mga turista ay ang tinatawag na Uyghur bread o kilala rin bilang “nang”.

Ang “nang” ay isang uri ng baked bread, isang mahalaga at natatanging pagkain ng mga Uyghur.

Ito ay gawa sa harina, sesame, sibuyas, itlog, gatas, asin, asukal, at iba pang mga pampalasa, ang bagong luto na ‘nang’ ay malutong at masarap.

Bukod sa pamimili, matutunghayan mo rin ang isang lugar kung saan isinasagawa ang mga pagtatanghal ng etnikong musika at sayaw.

Samantala, para sa mga turistang gustong magdala ng pasalubong, narito ang dapat mong malaman.

“Since Xinjiang is home to wonderful fruits, I would recommend you buy some dried fruits from this market,” ayon kay Alfira Arkin, Tour Guide.

Kabilang din sa mga ibinibenta rito ay mga instrumento sa musika, mga alahas, iba’t ibang disenyo ng carpet, ethnic costumes, mga halamang gamot at maraming iba pa.

Tinatayang umaabot sa higit 100,000 katao kada araw ang pumupunta sa grand bazaar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter