TINALAKAY nina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga solusyon sa isyung may kinalaman sa kalusugan ng mga Pilipinong mag-aaral.
Sinabi ni VP Duterte na titiyakin ng DepEd at Department of Health (DOH) na ipatutupad nila ang mga programa na tutugon sa mga isyung pangkalusugan ng mga mag-aaral hindi lamang sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa kanilang mental na kalusugan at kagalingan.
Kabilang na dito ang mga programa sa pamamahala ng stress, mga serbisyong pang-konsultasyon, at paglikha ng isang mapagmahal na kapaligiran para sa mga kabataan.
Natalakay rin ng dalawang opisyal ang ilang isyung pangkalusugan partikular na ang mga insidente at kaso ng HIV/AIDS sa mga batang mag-aaral, teenage pregnancies, at mga isyung kaugnay ng kanilang mental wellness, dahilan ng mga suicide.