Solusyon sa oil crisis, nasa Mindanao –Former Cong. Mangudadatu

Solusyon sa oil crisis, nasa Mindanao –Former Cong. Mangudadatu

MULING inihayag ng isang dating kongresista na nasa Mindanao lamang ang solusyon sa problema ng bansa sa nararanasang oil crisis.

Lalo na’t patuloy ang giyera laban sa Ukraine at Russia na may direktang epekto sa presyuhan ng langis sa bansa.

Ayon kay dating Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu, hitik sa fuel reserves ang Liguasan Marsh.

Aniya, sa kanyang bakod pa lamang ay nag-uumapaw na ang suplay ng methane gas ang nadiskubre.

‘Nasa P583 billion liters ng deposit ng methane and amounting to 1 trillion US dollar. Kung isuma total natin ang value ng peso sa dolyares talagang napakalaking pera po nito,’ pahayag ni Mangudadatu.

Aniya, kung matututukan lamang ito ng gobyerno ay ang Maguindanao na ang magiging susunod na Dubai.

Bukod sa methane, hitik din daw sa coal at iba pang fuel deposits ang Liguasan Marsh.

May lawak na 220,000 hectares ang Liguasan Marsh sakop ang Maguindanao, Cotabato at Sultan Kudarat.

‘Yung unang-una po diyan yung gas parang emission lang niya. After the methane gas ang second layer po niya is coal. Ang third layer sa pagka-aalam po natin yung fuel na. So by layer po ‘yan. The more na malalim po yung tusok ng tubo o pipe, mas may tendency na mahukay po natin yung fuel na nasa ilalim. At meron po yang mga proseso parang refinery po na para mas paliitin po yung tubig at saka yung fuel yung coal at methane gas. Yun po ang pagkakaalam natin po diyan,’ ayon kay Mangudadatu.

Follow SMNI News on Twitter