SONA speech, mismong si PBBM ang nagsusulat – Exec. Sec. Rodriguez

SONA speech, mismong si PBBM ang nagsusulat – Exec. Sec. Rodriguez

PATULOY ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang  unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, si PBBM mismo ang nagsusulat ng kanyang SONA speech.

Sa ngayon, ani Rodriguez, hindi pa tapos ang sinusulat na talumpati ni Pangulong Marcos Jr. dahil marami pa itong trabaho.

Gaya nitong umaga na personal na tinanggap ng Pangulo ang iprinesentang credentials ng dalawang bagong foreign ambassadors.

Inaasahan namang maisasapinal ni PBBM ang kanyang talumpati hanggang sa Lunes ng umaga.

“He’s the one writing his SONA message. And, he will be very busy,  yesterday we tried to relax his schedule so he can write. But ang dami pa rin mga trabaho. This morning, we have just, the two ambassadors of Thailand and the United States presented their credentials to him this morning. But this afternoon, he has devoted it until the weekend, until morning of Monday to finalize his SONA message,” pahayag ni Rodriguez.

Idinagdag pa ni Rodriguez na posible aniyang magiging laman sa SONA message ng Chief Executive ang patungkol sa ekonomiya, COVID-19 response, face to face classes, at maging ang isinusulong na digitalized governance ng administrasyong Marcos.

 “And when we speak of COVID response, it’s not only about health, it goes all the way to the entire cycle of economy, not just health, the economy, you go into education, and so on and so forth. So yun, pagtutuunan ng pansin yun. And very much related to COVID response and opening of classes is of course the digitalization, not just with respect to the education of the students but also with the way things are being run in terms of governance,” ayon kay Rodriguez.

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Rodriguez kung ilang pahina ang talumpati ni Pangulong Marcos sa SONA dahil patuloy pa itong sinusulat.

 

BASAHIN: Seguridad para sa nalalapit na SONA ni PBBM, plantsado na – EPD

 

 

Follow SMNI News on Twitter