SINABI ng South Africa na nagkaroon ito ng kasunduan na magpadala ng higit 100 cheetahs sa India bilang parte ng proyekto na makitang muli ang malalaking pusa sa South Asian country.
Sinabi ng Environment Ministry na ang mauunang 12 cheetahs ay ipapadala sa India sa susunod na buwan matapos na magpadala ng 8 mula sa Nambia noong nakaraang Setyembre.
Ayon sa pahayag ng Environment Ministry, plano nilang maglipat ng 12 cheetahs para sa susunod na 8 – 10 taon upang makatulong na madagdagan at maprotektahan ang populasyon ng mga ito.
Dating tirahan ang India ng Asiatic Cheeteh ngunit pormal na itong idineklarang extinct noong 1952 dahil sa kawalan ng tirahan at overhunting.