PLANO ng South Korea at Saudi Arabia na mas palawakin pa ang ugnayan nito pagdating sa investment at business ideas.
Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Industry Minister Lee Chang-Yang at Saudi Arabia investment Minister Khalid Al-Falih sa kanilang pag-uusap sa Seoul.
Sa kanilang pagkikita ay isinusulong ni Lee na palakasin pa ang bilateral na kooperasyon sa pagitan nito kagaya ng malawakang investment na isinagawa nito sa industry field sa Saudi Arabia o tinatawag na NEOM project.
Layunin ng mega project na ito na magtayo ng bagong siyudad at gawin itong Smart City para sa teknolohiya at isang major tourist destination sa Northwestern province ng Tabuk.
Nagkasundo ang dalawang panig na palakasin ang Bilateral Vision 2030 Committee sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming subcommittee at palakasin pa ang economic at business ties nito.
Ang komite ay unang inilunsad taong 2017 at naging isang major platform para sa kooperasyon sa manufacturing, batteries at iba’t ibang sektor.