MAG-IIMPORT ng 200 toneladang urea mula sa Vietnam patungong South Korea.
Dahil sa kakulangan ng supply plano ng South Korea na mag import ng urea mula sa Vietnam sa susunod na linggo upang makatulong sa kakulangan ng suplay ng urea water solution, ang pangunahing materyal na ginagamit sa mga sasakyang diesel upang mabawasan ang mga emisyon.
Ayon sa Finance Ministry ito ay bahagi ng sampung libong toneladang urea na inaasahan ng South Korea na ma-iimport mula sa Vietnam at sa iba pang mga bansa.
Nakatakda namang mag import ng dalawampu’t pitong litrong water solution mula sa bansang Australia kabilang ang dalawampung libong litro para sa linggong ito.
Tinatayang nasa 10-M o 38% ang mga rehistradong sasakyan sa bansa kung saan ang apat na milyong diesel cars kabilang ang dalawang milyong freight trucks ang nangangailangan ng water solution upang mabawasan ang emisyon sa ilalim ng panuntunan na ipinagtibay noong 2015.