South Korea, maglalabas ng ulat tungkol sa ekonomiya at panlipunang sitwasyon ng North Korea

South Korea, maglalabas ng ulat tungkol sa ekonomiya at panlipunang sitwasyon ng North Korea

IPINAHAYAG ng Unification Ministry ng South Korea, sa unang pagkakataon plano nilang maglathala ng isang ulat sa mga sitwasyong pang-ekonomiya at panlipunan sa North Korea upang makatulong na mas maunawaan ang buhay ng mga taga-North Korea.

Ito ay naglalaman ng statistical analysis sa lipunan at demograpiko sa North Korea, at magpapakita ng mga pagbabago sa pang-ekonomiya at panlipunang mga sitwasyon batay sa mga testimonya mula sa mga defector ng Pyongyang.

Mula noong 2010, nakolekta ng gobyerno ng South Korea ang malalim na impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng mga North Korean mula sa humigit-kumulang 6,000 North Korean defectors.

Noong unang bahagi ng Marso, naglabas ang ministeryo sa publiko ng isang ulat sa mga sitwasyon ng karapatang pantao ng North Korea sa unang pagkakataon, kung saan itinatampok ang malawakang mga pang-aabuso sa karapatan, tulad ng mga pampublikong pagpatay at pagpapahirap.

Sisikapin din ng gobyerno ng South na maglabas ng ingles na bersyon ng ulat para sa mga dayuhang mambabasa.

Binigyang-diin ni Pangulong Yoon Suk-yeol na kailangang ipaalam sa buong mundo ang tungkol sa malungkot na mga karapatan at kalagayan ng pamumuhay na kinakaharap ng mga North Korean.

Ito umano ang dahilan ng mahigpit na paninindigan ng South Korea na kalabanin ang North Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter