MAGLULUNSAD ng forum ang South Korea ukol sa wartime labor issue nito sa Japan.
Bubuo ng consultative body ang South Korea sa pagitan ng ilang opisyal ng gobyerno upang pag-usapan paano reresolbahin ang isyu nito sa Japan ukol sa wartime labor.
Ang hakbang na ito ng gobyerno ng South Korea ay posibleng maging breakthrough kasabay ng paghimok ng Tokyo sa Seoul na magpresenta ng solusyon dito.
Ang nasabing consultative body ay inaasahang ilulunsad ngayong linggo.
Matatandaan na noong 2018, ipinag-utos ng Supreme Court ng South Korea sa mga kumpanya sa Japan na magbayad ng kompensasyon sa Korea laborers na nagtrabaho sa mga ito noong World War 2.
Mayroon nang utos na inilabas para ibenta ang asset sa South Korea na nakuha mula sa Mitsubishi Industries at Nippon Steel para magbayad ng mga kompensasyon.
Samantala, ayon sa gobyerno ng Japan, ang wartime labor issue ay naresolba na noong 1965 Bilateral Agreement.