South Korea, nagsagawa ng defense drills bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng North Korea

South Korea, nagsagawa ng defense drills bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng North Korea

SUMABAK sa isang defense drills ang mahigit isang libong military, police at emergency personnel ng South Korea nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Bilang paghahanda ito ng bansa sa posibleng sorpresa na mga pag-atake ng North Korea.

Lalo na anila at sunud-sunod ang paglulunsad ng Pyongyang ng intercontinental ballistic missiles at ng kanilang kauna-unahang military spy satellite kamakailan.

Partikular naman nila na binabantayan ang Seoul dahil 38 kilometro lang ang layo nito sa military border na naghihiwalay ng South sa North Korea.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble