South Korea, nagsimula na sa pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 boosters

South Korea, nagsimula na sa pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 boosters

KASUNOD ng pangamba ng twindemic ay nagsimula na ang South Korea sa pagbabakuna ng Bivalent COVID-19 vaccines.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency, ang Bivalent COVID-19 vaccine ng Moderna ay gagamitin sa unang pagkakataon bilang booster vaccine sa bansa.

Ang Bivalent COVID-19 vaccine naman na dinevelop ng Pfizer ay gagamitin kung matapos na ang regulatory process nito.

Available ang Bivalent COVID-19 vaccine para sa mga nakatatanda at high risk sa bansa at iba pang vulnerable na grupo.

Ang mga indibidwal naman na nasa edad 18-60 ay maaaring mag-reserve sa Bivalent COVID-19 vaccine kung nakumpleto na ng mga ito ang primary series ng pagbabakuna.

Ang lahat ng indibidwal na tatanggap ng Bivalent COVID-19 vaccines ay kinakailangang maghintay ng 120 araw matapos ang kanilang huling pagbabakuna.

Follow SMNI NEWS in Twitter