PAGMUMULTAHIN ng antitrust regulator ng South Korea ang Tesla sa halagang 2.85 million won dahil sa kabiguan nitong sabihin sa mga kustomer nito na mas maikli ang driving range ng electric vehicles kung mababa ang temperatura.
Ayon sa Korea Fair Trade Commission, inihayag ng Tesla na mas malawak ang driving range ng mga sasakyan nito sa single charge at ang fuel-cost effectivity nito kumpara sa mga sasakyan na gumagamit ng gasolina.
Bumagsak ang driving range ng Tesla sa malamig na panahon sa 50% kumpara sa advertisement nito online.
Wala namang komento ang Tesla ukol dito.
Sa website nito, nagbibigay ang Tesla ng winter driving tips gaya ng pre-conditioning sa mga sasakyan na mayroong external power sources.
Sa kabila nito hindi umano binanggit ng Tesla ang pagbaba ng driving range sa sub-zero temperatures.