South Korea, posibleng magkaroon ng cabinet reshuffle sa 2023

South Korea, posibleng magkaroon ng cabinet reshuffle sa 2023

IKINUKUNSIDERA ni South Korean Pres. Yoon Seok-Yeol ang pagkakaroon ng cabinet reshuffle sa ikalawang termino nito sa susunod na taon.

Kamakailan lamang ay nakumpleto ng presidential office ang performance evaluation ng ministers at vice ministers ng bawat ministry.

Kabilang sa mga ministry na ito ay ang industry and culture na naitalang may mababang score sa kanyang work evaluation.

Kinumpirma ng isang senior presidential official ang kondisyon ng posibleng pag-reshuffle ni Yoon sa dalawang minister sa bansa.

Matapos din umano ang imbestigasyon ng police special investigation sa Itaewon crowd rush ay posibleng ilagay sa voluntary resignation ang interior minister ng bansa.

Posible rin na hindi magsagawa ng New Year’s press conference si Yoon dahil nakikita nito na magandang ipalit ang pang governmental meeting sa press meeting.

Follow SMNI NEWS in Twitter