South Korea, maglulunsad ng 45 araw na imbestigasyon sa Itaewon crowd rush

South Korea, maglulunsad ng 45 araw na imbestigasyon sa Itaewon crowd rush

NAGKASUNDO ang ruling power party at main opposition democratic party na maglunsad ng 45 araw na parliamentary investigation sa nangyaring Itaewon Halloween tragedy sa South Korea.

Ang imbestigasyon ay sisimulan sa panahon na aprubahan na ng assembly members ang motion for investigation.

Pero ang aktwal na imbestigasyon ay sisimulan matapos na ipasa ng national assembly ang National Budget Bill nito sa susunod na taon.

Ito ay isasagawa ng 18 miyembro na Special Parliamentary Committee na pamumunuan ng Democratic Party.

Magkakaroon ito ng 9 na miyembro mula sa democratic party, 7 naman mula sa People Power Party at 2 mula sa minor parties.

Ang komite ay nakatakdang mag-imbestiga sa 16 na government offices at agencies na nakatalaga para siguruhin ang public safety.

Follow SMNI NEWS in Twitter