South Korea Pres. Yoon, dadalo sa ASEAN at G20 Summit

South Korea Pres. Yoon, dadalo sa ASEAN at G20 Summit

DADALO si South Korean President Yoon Suk Yeol sa pagpupulong sa ASEAN at Group of 20 industrialized nations ngayong buwan.

Inaayos din ng South Korea ang posibleng bilateral summit sa pagitan ni Yoon at U.S. Pres. Joe Biden maging ang trilateral summit na may kaugnayan sa Estados Unidos at Japan sa sidelines ng mga event.

Ayon kay Kim Sung Han, National Security Adviser ni Pres. Yoon, sa ngayon ay inaayos pa nila ang lahat.

Wala pa namang desisyon ukol sa posibleng one-one-one meeting sa pagitan ni Yoon at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Matatandaan na ang huling in-person meeting sa pagitan ni Yoon at Kishida ay noon pang Setyembre at dito ay napagkasunduan ng dalawang lider na ayusin ang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng wartime issues nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter