Japanese PM Kishida, bibigyang-pansin ang food at energy crisis sa darating na G20 at ASEAN Summit

Japanese PM Kishida, bibigyang-pansin ang food at energy crisis sa darating na G20 at ASEAN Summit

BIBIGYANG-tuon ni Prime Minister Fumio Kishida sa darating na G20 at dalawa pang summit sa ASEAN ang mga isyu sa food at energy insecurity na nag-uugat sa gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hati ang opinyon ng G20 members ukol sa Russia at Ukraine, ang mga kanluraning bansa ay kinokondena ang Russia pero ang China, India at iba pang bansa ay hindi naman umaayon sa pagpatutupad ng sanction sa Moscow.

Inaasahan na si Kishida, U.S. President Joe Biden at iba pang European leaders ay kokondenahin ang Russia sa summit sa Martes at Miyerkules sa Bali, Indonesia pero hindi dadalo rito si Russian President Vladimir Putin.

Ipapadala naman ni Putin si Foreign Minister Sergey Lavrov para pangunahan ang delegasyon ng Russia.

Inimbita naman ng G20 host na Indonesia si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na sinabing hindi ito dadalo kung naroon si Putin.

Samantala, dadalo rin si Prime Minister Fumio Kishida sa ASEAN Summit sa Sabado at Linggo sa Phnom Penh at APEC Summit Forum sa Nobyembre 18 at 19 sa Bangkok.

Follow SMNI NEWS in Twitter