South Korea, tinamaan ng cold wave na may malakas na snowfall

TINAMAAN ang South Korea ng matinding lamig na may malakas na snowfall.

Sa katapusan ng linggo ng pasko, ang matinding lamig na may malakas na snowfall ay tumama sa malaking bahagi ng South Korea, na may temperatura na bumababa hanggang -25.4 degrees celsius sa ilang rehiyon, na humantong sa pagkansela ng ilang mga flight sa bansa.

Umabot sa -16 degrees celsius ang temperatura noong linggo ng umaga sa Seoul, na pinakamalamig na temperatura ngayong Disyembre sa halos apatnapu’t isang taon.

Habang sa Cheorwon, Gangwon province ay bumaba sa -25.4 degrees celsius, na minamarkahan ang pinakamalamig na temperatura ngayong taglamig.

Ang Paju at Yeoncheon sa Gyeonggi province ay bumaba rin sa -20.7 degrees celsius, na bumaba sa mas mababa sa -20 degrees celsius sa unang pagkakataon sa taong ito.

Samantala, ang ilang bahagi ng bansa ay nabalot ng malakas na ulan ng niyebe.

Noong Sabado, ang snow sa lalawigan ng Gangwon ay umabot hanggang 55.9 cm, habang 16.6 cm naman sa Hallasan sa Jeju island.

Nagpatuloy ang snow hanggang Linggo sa Kanlurang bahagi ng bansa at sa Hilaga at Timog Jeolla province, at inaasahan naman magpapatuloy pa ito hanggang Lunes, ayon sa KMA.

Samantala, nagbabala ang weather agency sa mga tao na manatiling naka alerto, dahil ang mabilis na pagbaba ng temperatura ay maaaring humantong sa mas mahinang immunity.

SMNI NEWS