NANAWAGAN si Prime Minister Han Duck Soo sa mga myembro ng Bureau International des Expositions (BIE) na igawad ang 2030 World Expo sa Southern City ng Busan.
Si Han ay nagpakita ng presentasyon ukol sa bid ng South Korea na mag-host ng expo sa ika-71 taon na General Assembly ng BIE, isang intergovernmental body na in-charge sa pag-oversee ng expo.
Kung sakaling makuha nito ang hosting ng expo, ang South Korea ay magkakaroon ng pagkakataon na maipakita ang growth experience nito at makapag-develop ng international cooperation.
Ayon kay Han, papalawakin ng South Korea ang overseas deployment aid nito para sa green projects upang maisaayos ang climate change at energy crisis.
Inaasahan naman na magsisilbing forum para sa mga diskusyon ang expo ukol sa mga isyu sa climate change, mga impeksyon, kahirapan at pagtanda ng populasyon.
Ang World Expo ang isa sa pinakamalaking international festival sa World Cup at Olympics.