Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover, isinara sa mga motorista

Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover, isinara sa mga motorista

TRAFFIC ang bumungad sa mga motoristang bumabaybay sa southbound lane ng EDSA nitong Miyerkules, Mayo 1, 2024, partikular na ang patungong Kamuning Flyover.

Una nang ipinaliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kailangan sumailalim ang nasabing tulay sa retrofitting at pagkukumpuni.

Isa kasi ito sa 14 na tulay na tinukoy ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na kinakailangang kumpunihin bilang paghahanda sa “The Big One”.

Tatagal ang unang bahagi ng pagkukumpuni mula Abril 25-Agosto 6, 2024 habang magsisimula naman ang ikalawang bahagi sa Hulyo 15 at matatapos sa Oktubre 25, 2024.

Sarado ang nasabing bahagi ng flyover para sa mga pribadong sasakyan pero bukas ito para sa mga bus ng EDSA carousel.

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dahil sa nasabing pagsasara sa Kamuning flyover ay bibigat ang daloy ng trapiko.

Kaya naman inihinanda na ng MMDA ang mga alternatibong ruta tulad ng mga service road at Mabuhay Lanes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble