SP Escudero, dinepensahan ang hiling na P2-B ng OVP

SP Escudero, dinepensahan ang hiling na P2-B ng OVP

HINDI malaki para kay Senate President Francis “Chiz” Escudero ang hiling na P2.037-B budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Ito ang sagot ng lider ng Senado nang tinanong kung maituturing ba na sobra ito kumpara sa budget noon ni dating Vice President Leni Robredo.

“Marami ang nagrereklamo noon na kulang ang pondo ni VP Leni. Ngayon naman, alangan naman sabihin natin na sobra naman ito. Dapat ang budget ng OVP ay sapat para sa OVP, sinuman ang nakaupo,” pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ang panukalang badyet ng OVP para sa 2025 ay pasado na sa deliberasyon ng Committee on Finance ng Senado pero nilinaw ni Escudero na nakasalalay rin sa Kamara kung maituturing nga itong labis o kulang.

“Ngayon, sino naman ang magpapasya na sobra-sobra ang dalawang bilyon para sa isang VP? Depende na ‘yan sa Kongreso kung saka-sakali, kung sa tingin nila ay masyadong malaki ‘yan. Sa tingin ko ay hindi,” ani Escudero.

Kabilang sa naghayag ng suporta para sa panukalang badyet ng OVP ay si Majority Floor Leader Francis Tolentino, Sen. Migz Zubiri, Sen. Alan Cayetano, Sen. Jinggoy Estrada, at Sen. Bato dela Rosa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble