SP Zubiri, naghain ng resolusyon na layong bumuo ng oversight committee for confi and intel funds

SP Zubiri, naghain ng resolusyon na layong bumuo ng oversight committee for confi and intel funds

NAIS ni Senate President Juan Miguel Zubiri na bumuo ng Senate Select Oversight Committee for Confidential and Intelligence Funds (CIFs).

Nitong Miyerkules nang inihain ni Zubiri ang Senate Resolution 302 na layong bumuo ng panel na inaatasan na imbestigahan ang paggamit ng CIFs na inilaan sa mga ahensya ng gobyerno.

Ang komite ay pamumunuan ng senate president at bubuuin ito ng 3 miyembro na kumakatawan sa majority at isa mula sa minority.

Sa P5.268-T na panukalang 2023 national budget, nasa P9.287-B ay CIF.

Follow SMNI NEWS in Twitter