INILAHAD ni Senate President Juan Miguel Zubiri na wala siyang tatakbuhang posisyon sa gobyerno sa 2028 elections.
Ito ay kaniyang binigyang-diin matapos lumabas na pitong porsiyento ng mga Pilipinong botante ang pabor sa kaniya para sa 2028 Vice-Presidential elections ayon sa isang survey.
Dagdag din ng kasalukuyang lider ng Senado na kaniya nang pinag-iisipan ang pagretiro sa politika matapos ang 30 taong pagbibigay serbisyo sa gobyerno.
Sa kabila nito ay sinabi ni Zubiri na patuloy niyang pagsisikapan na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga makabuluhang batas sa nalalabi niyang apat na taon sa Senado.