SPM, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park

SPM, nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park

PINATUNAYAN ng mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na hindi magiging hadlang ang banta ng Super Typhoon Betty para sa matagumpay na Coastal Clean-up Drive na isinagawa sa lungsod ng Parañaque, araw ng Biyernes.

Maaga pa lang nagkakaisa na ang grupo ng SPM para simulan ang paglilinis sa coastal area ng Manila Bay na matatagpuan sa  Las Piñas–Parañaque Wetland Park.

Para sa mga SPM volunteer malaki ang kahalagahan ng aktibidad na ito para sa ikabubuti ng kalikasan ng bansa.

May ilan din na mga taga barangay ng Parañaque City ang nakilahok sa naturang aktibidad.

Ayon kay Diego Montesclaros ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) inaabot ng 2 toneladang basura ang baybayin ng dagat kada linggo, na nagmumula pa sa iba’t ibang mga lugar ng NCR na nadadala ng agos mula sa naturang dagat.

Ngunit ano nga ba ang mayroon sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park para mahigpit na protektahan ang kapaligiran.

Ikinatuwa naman ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang ginawang clean-up drive ng SPM volunteer.

Dahil dito, kinilala rin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang ginawang pagkakaisa ng SPM sa naturang aktibidad.

Matatandaan, dahil sa nagbabadyang krisis ng climate change at upang muling maibalik ang kagandahan ng kapaligiran at kalikasan, ang Sonshine Philippines Movement ay naitatag noong taong 2005 ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Bukod sa clean-up drive, nagsasagawa rin ang SPM ng tree planting, medical mission, livelihood training relief operation sa mga tinamaan ng mga sakuna at marami pang iba.

Bukas ang tanggapan ng SPM sa nais na magboluntaryo sa mga nabanggit na aktibidad.

Sa susunod na buwan ng Hunyo 2023, magkakaroon din ng tree planting activity ang SPM sa Bulacan at Rizal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter