NABIGYAN na ng Emergency Use Authorization ang Sputnik V Gam-Cov-Vac vaccine ng Gamaleya.
Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) ngayong umaga Marso 19, 2021.
Inanunsyo rin ito ni FDA Director General Eric Domingo sa isang press briefing ngayong umaga.
“Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology Sputnik V Gam-Cov-Vac COVID-19 vaccine may be effective to prevent COVID-19,” ayon sa pahayag ni Domingo.
Ayon kay Domingo, ang Sputnik V vaccines ay maaring gamitin sa may edad 18-taong gulang pataas.
Ang Sputnik V na ang ika-apat na COVID-19 vaccine na nakatanggap ng EUA mula sa FDA kasunod ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.
Habang nagpapatuloy ang review ng FDA sa aplikasyon ng Bharat Biotech Covaxin.
Inaprubahan din ang Sputnik V sa 51 na mga bansa kabilang ang Mexico, Iraq, Myanmar, at Sri Lanka.
Plano naman ng bansa na bibili ng 20 milyong dosis ng Sputnik V.
(BASAHIN: Russia, handa na sa pamamahagi ng Sputnik V vaccine)