SRA, plano ibenta sa mga supermarket ang mga nakumpiskang smuggled na asukal

SRA, plano ibenta sa mga supermarket ang mga nakumpiskang smuggled na asukal

IPINAALAM ni Sugar Regulatory Administration (SRA) acting Administrator Pablo Azcona na pinag-aaralan na ng ahensiya na maibenta sa mga supermarket ang mga smuggled asukal sa halagang P70 kada kilo.

Paliwanag ni Azcona, malaki-laki ang volume na nakumpiska at makukumpiska pa ng ahensiya kung kaya dapat lang na malawak ang distribution network nito.

Tiniyak naman ni Azcona na makabibili ang mga konsyumer ng mga smuggled asukal sa mga Kadiwa store at palengke sa kaparehong halaga.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na petsa kung kailan makabibili ang konsyumer sa mga nabanggit na distribution sites.

Samantala, magpupulong ang SRA at mga pribadong sektor upang pag-usapan ang repacking o pagsusupot sa mga nakumpiskang imported asukal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter