TULOY ang pagbibigay ng mas maginhawang serbisyo ng SSS Visayas sa mga miyembro nito dahil sa mas maluwang at mas malaking tanggapan.
Dinaluhan ng President and Chief Executive Officer ng Social Security System (SSS) na si Rolando Ledesma Macasaet ang ginawang ribbon cutting at inauguration ng SSS Danao Branch.
“We were thankful na malaki na ang ating office space namin to cater all the members dito sa Danao, maganda talaga ‘yung convenient ‘yung mga members na pumapasok sa office natin, so basically because ‘yun ang purpose natin eh, to give our members satisfaction,” ayon kay Rocelyn Duay, Branch Manager, SSS Danao City Branch.
Dahil sa mas maluwang at mas malaking tanggapan ng SSS, mas makakabenepisyo ang mga miyembro, hindi lang ang mga taga-Danao kundi maging ang mga karatig na munisipalidad tulad ng Liloan, Compostela, Carmen, Sugod, at maging mga taga-Isla ng Camotes.
Para kay Atty. Alberto Montalbo, Vice President Visayas Division 1 ng SSS, matagal na nilang hangarin ang matugunan ang pangangailangan ng mga SSS members sa lugar lalo pa’t nasa mismong siyudad ng Danao ang isang economic zone na may halos 14,000 employees.
“SSS Danao branch before in 2019, kaso ‘yun ay maliit lang na opisina at pinalawak na natin ang opisina at ito talaga ay makaka-serve na sa mga members dito sa area,” ayon kay Atty. Alberto Montalbo, SSS Vice President Visayas Division 1.
Samantala, hindi naman nagpapahuli ang SSS sa kanilang online translation dahil sa mismong Cebu Mitsumi na isang special economic zone sa Danao ay mararanasan na ang ‘no hassle transaction’ ang mga empleyado dahil binuksan na ng SSS ang kanilang e-Center sa loob mismo ng facility ng Mitsumi.
“We realized na hindi lang dapat sa opisina, puwede na rin naming i-roll out doon sa mga barangays, mga LGUs and finally nakita pa rin namin na may mga employer o mga companies who are willing to spend for computers and for the internet connection and willing na mag put up ng ganito, e-Center. The purpose of the e-Centers is for the workers na ‘di kayang magpunta doon sa opisina, baka ang leave sila, lalagyan na lang natin ng e-Center doon sa company premises at doon na mismo mag-transact ‘yung mga members,” dagdag ni Atty. Montalbo.
Dinaluhan ni Cebu Mitsumi Presidente Tatsuya Muri at SSS PCEO Rolando Ledesma Macasaet at mga pangunahing kawani ang naturang lunching at ribbon cutting.
“First time in the province of Cebu na magkaroon talaga ng e-Center sa isang company which is the biggest employer actually dito sa Cebu Province,” ani Atty. Montalbo.
Ayon sa SSS, bukod sa 68 e-Centers sa buong Visayas Division 1 ay pinagsisikapan din nilang makapagbukas pa ng mas maraming e-Center para sa mga employer na pinapahalagahan ang kapakanan ng kanilang mga empleyado.