Status ng dayuhan na tumakbo nang hubad sa riles ng MRT-3, beberipikahin ng BI

Status ng dayuhan na tumakbo nang hubad sa riles ng MRT-3, beberipikahin ng BI

IBEBERIPIKA ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakakilanlan at status ng dayuhan na tumakbong hubo’t hubad sa riles ng MRT-3 Boni Station kahapon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, makikipag-ugnayan sila sa MRT-3 officials para makumpirma ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Sa ngayon aniya ay nakatanggap na sila ng inisyal na impormasyon ukol sa dayuhan mula sa arresting agency.

Sinabi ni Morente na titingnan nila ang immigration status sa bansa ng dayuhan kung ito ba ay illegal na nanatili sa Pilipinas.

Sakaling mapatunayan na illegal itong nanatili sa bansa, maari aniya itong maging subject ng deported proceeding kapag naresolba na at natapos ang kanyang sentensya sa isasampang kaso laban dito.

Una nang sinabi ng Department of Transportation na sasampahan ng kasong alarms and scandal ang dayuhang pasahero.

 

SMNI NEWS