Stable na presyo ng bigas, makatutulong tungo sa magandang ekonomiya ng taong 2024—Mambabatas

Stable na presyo ng bigas, makatutulong tungo sa magandang ekonomiya ng taong 2024—Mambabatas

MALAKI ang papel ng stable na presyo ng bigas sa ikagaganda ng ekonomiya ng taong 2024.

Ito’y dahil ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ang ikalimang bahagi sa bawat budget ng pamilyang Pinoy ay inilalaan bilang pambili ng bigas.

Ngayon ay hinihikayat ni Salceda ang pamahalaan na lubos na tutukan ang pagpapababa ng presyo ng bigas.

Iba’t ibang solusyon ang ibinigay ng ekonomistang mambabatas at isa na rito ang pagkakaroon ng rice varieties na resistant sa tagtuyo’t lalung-lalo na sa mga lugar na maapektuhan dito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter