TATLONG porsyento ang ibinaba ng local sugar production sa huling Linggo ng Marso ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Batay sa pinakahuling update ng SRA sa raw sugar production noong March 28, mula sa 1.58 million metric tons noong 2020 ay bumaba ito sa 1.54 million metric tons ngayong 2021.
Sa output naman per 50-kilogram bags, mula sa 31.67 million ay bumaba ito sa 30.75 million ngayong taon kung saan ang kasalukuyang raw sugar supply ay aabot lamang sa 1.79 million metric tons kumpara sa 1.83 million metric tons noong 2020.
Inilabas ng SRA ang naturang datos bunsod sa hindi inaasahang impact ng La Niña ngayong taon kung saan binaha ang sugar producing regions pati na ang sugar cane fields sa Negros Occidental.

Noong 2005, ang Pilipinas ang pang-siyam na pinakamalaking producer ng asukal sa buong mundo at pangalawang pinakamalaking tagagawa ng asukal sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pagkatapos ng Thailand, ayon sa Food and Agriculture Organization.

Hindi bababa sa labing pitong mga lalawigan ng Pilipinas ang nagtatanim ng tubo, kung saan dalawa sa Negros Island ay nag-aambag sa kalahati ng kabuuang produksyon ng asukal sa bansa.