Sunog sa kampo ng 4th ID sa Cagayan De Oro City, masusing iniimbestigahan

Sunog sa kampo ng 4th ID sa Cagayan De Oro City, masusing iniimbestigahan

NAGPAPATULOY ang masusing imbestigasyon sa nangyaring sunog sa loob ng headquarters ng 4th Infantry Division sa Camp Edilberto Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City.

Ito ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar upang matukoy ang sanhi ng sunog at maiwasan na maulit ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Sa impormasyon ng AFP, alas-12 ng madaling araw nang mangyari ang sunog na sinundan ng malakas na pagsabog na nangyari sa Ammo Complex ng 10th Forward Service Support Unit (FSSU) ng Army Support Command (ASCOM).

Walang nasugatan na tauhan ng AFP ngunit may 3 sibilyan na nagtamo ng minor injuries.

Agad silang ginamot sa Camp Evangelista Station Hospital at ngayon ay stable na ang kondisyon.

Bilang pag-iingat, ang mga sibilyang naninirahan sa paligid ng Ammo Complex ay inilikas sa gymnasium ng kampo at covered court ng Barangay Patag.

Follow SMNI NEWS in Twitter