Higit 200 candidate soldiers, nanumpa sa Cagayan de Oro

Higit 200 candidate soldiers, nanumpa sa Cagayan de Oro

UMABOT sa 220 kabataan ang nanumpa bilang candidate soldiers sa Camp Evangelista, Barangay Patag, Cagayan de Oro.

Ayon kay Major Francisco Garello Jr., hepe ng Public Affairs Office ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, binubuo ang mga candidate soldiers ng 190 lalaki at 30 babae, kung saan 11 ang miyembro ng CAFGU habang 31 ang mula sa mga komunidad ng Indigenous Peoples (IPs).

Napili sila mula sa halos 2k aplikante na sumailalim sa isang buwang screening.

Sasailalim sila sa 6 buwang Basic Military Training sa Mindanao Army Training Group (MATG), Camp Kibaritan, Kalilangan, Bukidnon.

Sinabi naman ni Major General Wilbur Mamawag, commander ng 4th Infantry Division na ang seremonya ay hudyat ng bagong buhay ng mga kabataan na tumanggap ng hamon na paglingkuran ang bayan at ang mga Filipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter