TINALAKAY ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang naganap na sunud-sunod na lindol sa Davao de Oro.
Sa isinagawang programa ng Budyong Online, Marso 17, tinalakay ng PHIVOLCS sa pangunguna nina Doctor Raymond Patrick Maximo at Daniel Buhay isang science research specialist/geologist, DOST-PHIVOLCS patungkol sa sunud-sunod na lindol na naganap sa Davao de Oro.
Ayon kay Daniel Jose L. Buhay ng PHIVOLCS, nagsimula ang earthquake series noong Marso 6 – 7.
Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng datos kung ilang aftershocks ang naganap pagkatapos ng lindol as of March 17.
Ayon kay Dr. Buhay, ang pinagmumulan ng mga lindol na ito ay ang mga active fault, at sa Pilipinas merong tinawag na Philippine fault na dumadaan mula Luzon hanggang Mindanao, at meron itong putol-putol na bahagi na siyang tinatawag na segments at paggalaw nito ang nagdudulot ng lindol.
Tinalakay rin ng PHIVOLCS ang mga hazards at epektong dulot ng earthquake tulad ng pagguho ng lupa o landslide ganun din ang tension cracks o pagbitak ng lupa na siyang nangyari sa Davao de Oro kamakailan.
Kaugnay rito, ibinahagi rin ni Buhay ang mga dapat gawin sakaling makaranas ng lindol habang nasa loob ng gusali.
At kung nasa labas ng gusali habang lumilindol, iwasan ang mga poste, lumayo sa mga gusali at mga bagay na maaring bumagsak.
Ayon sa PHIVOLCS, maraming active faults na matatagpuan sa Davao de Oro na maaaring magdulot ng malalakas na paglindol.