PATULOY na lumalakas ang Super Typhoon Karding habang kumikilos ito sa kanluran-hilagang kanlurang bahagi ng Quezon Province.
Ayon sa 2PM Weather Bulletin, malamang mag-landfall si Karding sa bisinidad ng hilagang bahagi ng Quezon o katimugang bahagi ng Aurora ngayong gabi at may posibilidad din itong mag-landfall malapit sa bisinidad ng Polillo Islands ngayong hapon.
Huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Karding sa 115 km ng silangan hilagang-silangan ng Infanta, Quezon o 76 km sa silangan ng Polillo Islands at kumikilos ng pakanluran sa 20 km/h.
Aabot ito sa maximum sustained winds ng 195 km/h malapit sa sentro at may bugso na 240 km/h.