Super Typhoon Pepito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga pananim at imprastraktura sa Quirino Province

Super Typhoon Pepito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga pananim at imprastraktura sa Quirino Province

MGA nasirang pananim, mga tulay at kalsadang hindi pa madaanan, mga bahay na winasak at inanod ng matinding pagbaha.

Ilan lang ‘yan sa mga pinsalang dulot ng Super Typhoon Pepito sa lalawigan ng Quirino.

Dahil sa taglay nitong lakas ng hanging umabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugso na nasa higit 300 kilometro kada oras, isinailalim sa Signal No. 5 ang maraming lugar sa lalawigan at mga karatig-probinsiya nito.

Bago pa man ang pananalasa ng Super Typhoon Pepito, magkakasunod na malalakas na bagyo na rin ang bumayo sa bansa.

Sinabi ng Administrator ng Office of Civil Defense (OCD) na si Usec. Ariel Nepomuceno na hindi maitatangging epekto ito ng climate change.

“’Yung nararanasan natin kakaiba talaga. Ito ay epekto ng climate change. Ang paliwanag sa amin at ito rin ang paniniwala ko, ang climate change ‘yung pagbabago ng panahon o klima, hindi na debate iyan. Nasa gitna na tayo niyan. Napapagrabe niya at napapalala ang mga dumadating na bagyo dahil naririnig natin kaliwa’t kanan na dati silang hindi binabaha ng todo eh ngayon dinadanas nila ngayon ‘yung todong-todong baha,” saad ni Usec. Ariel Nepomuceno, Administrator, Office of Civil Defense.

Ayon sa mga eksperto, ang pagbabago ng klima ay dulot ng lumalalang carbon emissions.

Karaniwang nagmumula ito sa mga aktibidad ng tao tulad ng pagsunog ng fossil fuels at mga usok na nagmumula sa mga pabrika at sasakyan.

Ayon sa World Bank, maaaring mawalan ang Pilipinas ng 13.6% ng GDP taon-taon pagsapit ng 2040 kung walang aksiyon laban sa climate change.

Ayon sa Climate Change Commission, mahalagang magtanim ng mas maraming puno na nagsisilbing carbon sinks.

“We are here for our planet. We are here for the people who are affected the most by climate change. We need to plant more trees, dahil malaki ang naitutulong ng mga puno bilang carbon sinks,” pahayag ni Robert E.A. Borje, Executive Director, Climate Change Commission.

Ibig sabihin, ang mga puno at kagubatan ay sumisipsip ng carbon dioxide at tumutulong na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Ilang kagubatan ng Sierra Madre sa Diffun, Quirino Province, nakakalbo na

Pero paano kapag ang natatanging protector ng Luzon mula sa mga malalakas na bagyo ay unti-unting nauubos ang mga puno at kagubatan?

Isa sa mga nakakalbong bahagi ng Sierra Madre ang Diffun, Quirino Province. Kung saan makikita ang mga putol na mga punongkahoy. Isa sa mga dahilan kung bakit nakakalbo ang kagubatan sa Sierra Madre ay ang kaingin.

Malawak ang mga lugar sa nasabing bulubundukin na sakop ng munisipalidad ng Diffun ang wala nang mga puno dahil patuloy na sinusunog ng mga Tribong Ifugao na bahagi na ng kanilang kultura at kabuhayan.

“Marami po ang kinakaharap ng ating Sierra Madre lalo na hindi natin maibibigay ang mga taong nakatira doon.”

“Hindi po maiwasan ‘yung mga nagkakaingin na bahagi na po ng kanilang kultura po lalo na sa mga IPs natin.”

“Ang kailangan po siguro ay mabigyan sila ng alternative livelihood para sa ganoon ay mawala ‘yung attention nila sa kagubatan,” saad ni Randy Romero, Representative, PENRO Quirino.

Sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mahigit 160,000 hectares na forest cover ng Sierra Madre ang nawala na mula 1998 hanggang 2010.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakalbo ng mga bundok ang nagiging dahilan ng mga pagbaha at landslide.

“If the storm hits the mountain without the trees, without the forest you would expect turbulence. When you have turbulence that would have intensified the wind. And it will cause landslide. It will cause flooding,” wika ni Dr. Peter Suson, Director, MSU-ITT Center for Resiliency.

One Tree, One Nation Initiative, nagpapatuloy para ibsan ang epekto ng climate change

Dahil dito, naging malinaw ang agarang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang mapangalagaan ang Sierra Madre.

Isa sa mga kumasa sa hamon para pangalagaan at ibalik ang katatagan ng nasabing bulubundukin ay ang spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isa ang Brgy. Don Faustino Pagaduan, sa Diffun, Quirino, sa mga lugar na naging benepisyaryo ng One Tree, One Nation: Save Sierra Madre Initiative ni Pastor Apollo.

Sama-sama ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na nagtanim ng seedlings ng narra at calumpit bilang bahagi ng inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nagkaisa ang iba’t ibang sektor para sa adbokasiya ni Pastor Apollo mula sa mga kabataan at estudyante, mga kababaihan, mga magulang, mga kapulisan, at mga kasundaluhan.

“Napakaganda ng One Tree, One Nation advocacy sa pangunguna of course ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Napakaganda ng layunin ng One Tree, One Nation especially nagi-invite ng ibang agencies na magkaisa tungo sa isang advocacy which is reforestation,” wika ni Patrolman Melchizedek Lacambra, Diffun Police Station.

“Kasama na po sa amin ‘yung pagseserbisyo ‘yung ganitong mga activities lalong-lalo na pagdating sa kalamidad. Nandiyan kami palagi. Nakaalert kami palagi ‘pag may kalamidad which is kung hindi po nasisira ‘yung environment nation lalong-lalo na itong Sierra Madre natin is male-lessen natin ‘yung mga sakuna na dumadating. Kaya napakalaking halaga ng mga ganitong activities,” ayon kay Staff Sergeant Virgilio Manuel, 86th Infantry Battalion, Philippine Army.

Kamakailan lang ay kinilala rin ni Vice President Sara Duterte ang malawakang tree planting initiative ni Pastor Apollo na aniya ay napakahalaga lalo na sa panahon ngayon.

“Nagpapasalamat kami sa The Kingdom of Jesus Christ sa pamumuno ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa tree planting.”

“Napakahalaga na pangalagaan natin ang ating kalikasan. Napakahalaga na magtanim tayo ng puno dahil kailangan natin ng climate change mitigation at nakakatulong ito sa Disaster Risk Reduction and Management dahil alam naman natin na ang puno ay nagpe-prevent ng landslide at ang puno diyan nanggaling ang oxygen,” wika ni Vice President Sara Duterte.

Magdadalawang dekada na mula nang itatag ang Sonshine Philippines Movement (SPM) na nagtataguyod sa adbokasiya ni Pastor Apollo na pangalagaan ang kapaligiran.

Isa nga sa Exhibit A ni Pastor Apollo ang Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tamayong sa Davao City kung saan libu-libong pine trees na ang naitanim doon.

Bilang isang future senator, target ni Pastor Apollo na mapabuti o mapalawak pa ang urban green spaces sa Pilipinas.

Ito ay sa ilalim ng pinaplanong ‘Greening and Beautification Project’ bill ng Butihing Pastor.

Kasama rin sa isusulong ni Pastor Apollo ay ang pagtatanim ng mga bulaklak sa mga bulubunduking lugar sa buong bansa.

 

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble