Suplay ng baboy sa bansa, magkukulang sa Disyembre—DA

Suplay ng baboy sa bansa, magkukulang sa Disyembre—DA

NAKATUTOK ang Department of Agriculture (DA) sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa, ito ay dahil sa inaasahang pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng lokal na baboy ngayong paparating na ang holiday season.

Pahirap para kay Kuya Bong na ibaba pa ang presyo ng ibinibentang lokal na baboy sa Arayat Market sa Quezon City.

Paliwanag niya, sobrang taas na kasi ng puhunan nito, iba pa ang bayad sa logistic at sa puwesto.

Ang DA ay nakatutok sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa lalo na ngayong paparating na ang holiday season.

Sinabi ni DA Assistant Secretary, Arnel de Mesa na siya ring tumatayong tagapagsalita na sapat ang suplay ng baboy hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.

Ngunit, posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng lokal sa Disyembre o huling quarter ng taon.

‘‘Patuloy pa rin yung epekto ng African Swine Fever sa bansa at tinitingnan din natin ang iba pang isyu sa pagbaba,’’ ayon kay Asec. Arnel de Mesa Spokesperson, DA.

Sa monitoring ng DA, 19 pa na probinsya pa sa bansa ang aktibo sa kaso ng Africa swine fever na pangunahing problema kung bakit apektado ang suplay at presyo ng lokal na karneng baboy sa pamilihan.

Kaya naman, tinitignan na ng kagawaran ang pag-aangkat ng baboy para mapunan ang 10-araw na inaasahang deficit sa lokal na suplay ng baboy.

Makatutulong aniya ito upang mabalanse ang pangangailangan ng bansa at para rin masigurong hindi lolobo ang presyo nito sa mga pamilihan.

Sa price monitoring ng DA, naglalaro sa P270/kg hanggang P330/kg ang presyo ng kasim habang nasa P320/kg hanggang P400/kg ng liempo.

Dahil dito, binabantayan ng DA ang tumataas na bentahan ng baboy ngayon at hindi rin inaalis ang posibilidad na pagpapataw ng suggested retail price (SRP) kung kakailanganin.

’’’ Yan ang titingnan natin after nitong bigas kung saan ba talaga yung problema kung saan ba talaga, kung mayroong nga nang-aabuso o pagtingin natin o ‘yan ang tinitingnan ng ating Inspectorate and Enforcement Unit,’’ ayon pa kay Asec. Arnel de Mesa.

Punto ni de Mesa, nasa P170-P200 lamang ang farm gate price ng lokal na baboy at dapat P100 lang din ang dagdag hanggang sa makarating sa pamilihan.

Kaya, mahigpit nilang tutukan pa ang pagpapalakas ng produksiyon ng baboy at balanseng importasyon na sasapat sa pangangailangan o demand.

Gayunpaman, wala namang nakikitang kakulangan ang DA sa suplay ng bigas at manok hanggang sa katapusan ng taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter