INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas at karne ang bansa ngayong holiday season.
Base kasi sa supply outlook ng National Rice Program ng DA, tumaas ang produksyon ng lokal na palay sa bansa.
Ibig sabihin, kayang-kayang tugunan ng mga magsasaka ang pangangailangan ng ating bansa sa pagtatapos ng 2022.
Sa suplay naman ng mga lokal na manok at baboy ay sapat din.
Batay sa Philippine Food Supply Demand and Sufficiency Outlook para sa 2022, nasa 1.82 million metric tons ang kabuuang suplay ng broiler para sa taong 2022.
Mula sa naturang bilang, nasa 1.65 million MT ay mula sa locally produced.
Habang ang pork supply outlook naman ay nasa 1.79 million MT ang demand para sa taong ito.
Pagtitiyak pa ng agricultural sector, magkakaroon ng masaganang suplay hanggang sa 2023.