Suporta para kay FPRRD bumuhos sa Metro Manila

Suporta para kay FPRRD bumuhos sa Metro Manila

BUONG Metro Manila at mundo, umalingawngaw ang pagbati at suporta kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-80 niyang kaarawan—patunay ng patuloy na pagmamahal ng milyun-milyong Pilipino.

Umaga pa lang ay pinangunahan na ni Greco Belgica, chairman ng Bisaya Gyud Party-list, kasama ang kaniyang mga supporter, ang isang signature campaign.

Matindi ang kanilang panawagan: “Ibalik si Tatay Digong” sa Pilipinas at dito sa sarili niyang bayan siya litisin sa mga akusasyong ibinabato sa kaniya.

Pagsapit ng hapon, hindi napigilan ang dagsa ng suporta—libu-libong motorista ang sabay-sabay na nakiisa sa isang makapangyarihang motorcade.

Sa bawat busina ng kanilang mga sasakyan, isang malinaw na mensahe ang kanilang ipinaparating—”Bring Him Home”

Habang umaandar ang motorcade, daan-daang supporters naman ang nagtipon sa Bonifacio Shrine sa Lungsod ng Maynila, bitbit ang kanilang matibay na paninindigan.

Nakasuot ng berdeng t-shirt—isang simbolo ng kanilang walang sawang suporta kay Duterte—lakas-loob nilang ipinaabot ang kanilang panawagan.

Bukod sa mga supporter sa lansangan, bumuhos din sa social media ang mensahe ng pagsuporta at pagbati mula sa ilang kilalang personalidad.

Isa na rito si dating Senate President Manny Villar, na nagpaabot ng taos-pusong hiling para sa mabuting kalusugan ng kaniyang kaibigan.

Samantala, matatag na loob at lakas naman ang idinalangin ng Superstar na si Nora Aunor. Ayon sa kaniya, kabilang siya sa milyong Pilipinong sabik na sabik sa pagbabalik ni Duterte sa bansa.

Mula sa lansangan hanggang sa social media, at sa iba’t ibang panig ng mundo—umuugong ang iisang sigaw—”Bring PRRD Home” Patunay ito na hindi matitinag, hindi mapapawi, at hindi matutuldukan ang pagmamahal at suporta ng sambayanang Pilipino para kay Tatay Digong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble