NANGAKO ang Department of Health (DOH) na susuportahan ang mga mental facilities at mga programang mental health sa bansa.
Ito ay pagkaraang bisitahin ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City kamakailan.
Saad ni Vergeire na ang stigma at diskriminasyon ang siyang patuloy na humahadlang sa atin para hindi mapaunlad ang mental health program at services sa bansa.
Sa kabila ng hamon na ito, ayon kay Vergeire, ay ipinatupad nila ang non-specialized approach para maihatid ang serbisyong mental sa mga komunidad.
Aniya mahalaga na magkaroon ng budget para sa pagsasanay ng mga mental health professional at mapaunlad ang pagsasaliksik patungkol sa mental health.