Surigao del Sur at Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Surigao del Sur at Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 5 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang Surigao del Sur, 9:11 ng umaga nitong Enero 3, 2024.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ay 32 kilometrong silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lalim ito ng 10 kilometro.

Samantala, nauna nang niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang San Esteban, Ilocos Sur, kaninang 3:59 ng madaling araw at may lalim din itong 10 kilometro.

Sa kabila nito, walang inaasahang pinsala o aftershocks ang PHIVOLCS mula sa dalawang lindol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble