ARESTADO ang suspek na may bitbit na 340-k halaga ng shabu sa Taguig City.
Sa ilalim ng pinagsanib na puwersa ng Special Operations Unit NCR sa pangangasiwa ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), naaresto si Michael Sarmiento Gardon, 38 anyos sa buy-bust ops ng mga awtoridad sa Taguig City.
Bandang alas dose trenta ng madaling araw ng Huwebes nang isagawa ang operasyon kung saan nahuli sa suspek ang 50 gramo ng shabu na may standard drug price na 340-K.
Agad na pinapurihan ni PNP DEG Director Eleazar Mata ang mga operatiba kasabay ng pangakong supilin ang pagkalat ng mga ipinagbabawal na gamot sa ngalan ng kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad sa bansa.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulis ang suspek at mga ebidensiya para sa dokyumentasyon at disposisyon sa mga ito.