MATAPOS ang siyam na araw na operasyon ay matagumpay na winasak ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (DEG) ang halos P1-B halaga ng tanim na marijuana sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, aabot sa mahigit 3-M (3,349,500) tanim na marijuana ang winasak ng mga awtoridad.
Batay sa ulat ng PDEG, aabot sa 195,100 square meters na taniman ng marijuana ang kanilang sinalakay na nasasakupan ng mga Brgy. Buscalan at Loccong kung saan nasamsam ang nasa halos isa’t kalahating tonelada ng marijuana plants.
Bagaman walang naaresto na caretakers ng mga taniman ng marijuana, tiniyak naman ni Matta na hindi sila tumitigil sa pagkakasa ng mga pagtugis para papanagutin ang mga nasa likod ng malawakang taniman ng marijuana.
Katuwang ng PNP ang iba pang operatiba ng Police Regional Office Cordillera, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).