MENTALLY-fit para sumalang sa isang court trial ang suspek sa pag-atake kay Prime Minister Fumio Kishida.
Ito’y matapos ang tatlong buwan na psychiatric evaluation sa suspek na kinilala bilang si Ryuji Kimura.
Matatandaang noong Abril 2023 habang nangangampanya si Kishida sa Wakayama, Western Japan nang hinagisan ito ng homemade pipe bomb.
Hindi naman nasugatan si Kishida subalit may dalawang iba pa na nagtamo ng minor injuries.
Sa ulat, maaaring nagalit si Kimura dahil hindi ito nakapaghain ng kaniyang kandidatura noong 2022 elections.
Samantala, Hulyo 8, 2022 nang binaril si Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil pa rin sa pangangampanya.