INAMIN ng suspek sa pagpatay sa isang industrial engineer sa Bulacan ang krimen sa kanyang sinumpaang affidavit.
Ito ang kinumpirma ni Police Lieutenant Colonel Ferdinand Hermino, hepe ng Malolos Police.
Ayon kay Hermino, lasing ang suspek na si Darwin Hernandez nang gawin ang krimen at may balak na magnakaw hanggang sa makita ang biktimang si Princess Dianne Dayor.
Inamin din aniya ni Hernandez na kinuha niya ang cellphone ni Dayor at sinubukang ibenta.
Narekober na ang mga gamit ni Dayor kabilang ang cellphone, mga ID at ATM card sa bahay ng suspek.
Nasa kustodiya ng Malolos Police si Hernandez na mahaharap sa kasong violence against women at robbery hold-up with homicide.