Suspek sa pananambang sa gobernador ng Lanao del Sur, nasawi sa hot pursuit operations

Suspek sa pananambang sa gobernador ng Lanao del Sur, nasawi sa hot pursuit operations

NASAWI ang isa sa pinaniniwalaang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. noong Biyernes.

Sa ulat ni PRO Bangsamoro Director Police Brigadier General John Guyguyon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., nagsagawa ng hot pursuit operations ang Maguing Municipal Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Sur Police Provincial Office, at Provincial Intelligence Unit na nagresulta sa engkwentro sa suspek na kinilalang si alyas Otin.

Ayon sa imbestigasyon, si alyas Otin ay anak ni alyas Fighter, isa sa limang suspek sa pananambang kay Adiong Jr. at pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Nakuha sa suspek ang Colt MK IV caliber 45 pistol na may anim na live ammunitions.

Pinuri ni General Azurin ang katapangan at dedikasyon ng kanilang mga tauhan na itinaya ang buhay upang mapanagot ang sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter