Susunod na PNP Chief, ipapalit sa katapusan ng Marso—PNP PIO

Susunod na PNP Chief, ipapalit sa katapusan ng Marso—PNP PIO

NAGHAHANDA na ang Kampo Krame para sa nalalapit na pagpapalit ng liderato ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng media kay PNP PIO Acting Chief Police Colonel Jean Fajardo, sa darating na Marso 27 itinakda ang turn over ceremony o change of command.

Magugunitang pinalawig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ni Acorda hanggang Marso 31 ng taong ito mula ang kaniyang nakatakda sanang pagreretiro noong Disyembre 3 ng nakalipas na taon.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na si Pangulong Marcos pa rin ang may solong kapangyarihan para magpasya sa anumang magiging kapalaran ni Acorda kung palalawigin pa ang kaniyang termino o papalitan na ito.

Bagaman kuwalipikado ang lahat ng mga Heneral na pumalit kay Acorda sa puwesto, matunog pa rin ang mga pangalan nila Deputy Chief PNP for Administration, P/LtG. Emmanuel Peralta at NCRPO Director, P/MGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Gayundin nila Directorate for Operations Chief, P/MGen. Ronald Lee; Directorate for Comptrollership Chief, P/MGen. Jose Francisco Marbil, at SAF Director, P/MGen. Bernard Banac.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter