TAMPOK sa magiging cast ng Squid Game Season 2 ang South Korean singer-rapper na si T O P, ang dating miyembro ng boy group na BigBang.
Ito ang kauna-unahang acting stint muli ng rapper sa loob ng anim na taon.
Maliban kay T O P ay tampok din sa Season 2 sina Park Gyu-young, Kang Ae-sim, Lee David, Lee Jin-uk, Roh Jaewon, Won Ji-an, at dating IZ *ONE member na si Jo Yuri.
Nauna nang inanunsiyo na magiging cast din sina Yim Si-wan, Kang Haneul, Park Sunghoon, at Yang Dong-geun.
Samantala, ang lead vocalist-turned-actress na si Tiffany ng Girls’ Generation ay magiging tampok din sa isang upcoming drama na may pamagat ng “Uncle Sam Sik”.
Makakasama naman niya rito sina Song Kang-ho at Byun Yo-han, Lee Kyu-hyung, Jin Ki-koo, at Seo Hyun-woo.