Taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo, binawi ng Meralco

Taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo, binawi ng Meralco

BINAWI ng Manila Electric Company (Meralco) ang naunang anunsiyo na magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Ayon sa Meralco, magkakaroon ng bawas-singil dahil sa inilabas na utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na unti-unting kolektahin ang wholesale electricity spot marker (WESM) charges sa loob ng apat na buwan.

Asahan namang mababawasan ng P1.96 per kilowatt-hour ang singil sa mga konsyumer ngayong buwan.

Katumbas ito ng P392 na bawas sa residential customers na komokonsumo ng 200kwh.

P588 sa 300 kwh, p784 sa 400 kwh at P980 sa kumokonsumo ng 500 kwh.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble