NAGBIGAY donasyon para sa mga underprivileged youth ang singer na si Taeyeon ng K-pop girl group na Girls’ Generation.
Sa ibinahagi ng Stump Foundation for Youth, aabot sa 100 million Korean won o katumbas ng 80, 795 US dollars ang inilagak na pera ng singer sa kanila.
Ayon kay Taeyeon, nais nyang ipahiwatig sa mga kabataan na may sumusuporta pa rin sa kanila at nagnanais na maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kasalukuyang estado ng kanilang buhay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-donate ang singer.
Taong 2019 ay nagbigay rin ito ng 88, 000 US dollars sa Korean Red Cross kung saan tinutulungan nito ang mga disadvantaged na mga kababaihan at babaeng teenagers.
Bilang solo artist, si Taeyeon ay sikat sa mga kantang “Fine”, “INVU”, “11:11”, at “Weekend”.
Samantala, ang grupo nitong Girls’ Generation ay sikat naman sa mga kantang “Gee”, “A Got a Boy”, “Run Devil Run”, “Genie”, “The Boys”, at “Forever 1”.